Kakaibang uri ng concrete, kayang sumipsip ng galun-galong tubig sa loob ng isang minuto

by Radyo La Verdad | September 24, 2015 (Thursday) | 1139

TOPMIX-PERMEABLE
Isang concrete na kung tawagin ay topmix permeable ang may kakayahang sumipsip ng 900 na galon ng tubig sa loob lamang ng halos isang minuto.

Dinevelop ito ng kumpanyang Lafarge Tarmac.

Gumamit sila ng malalaking pebbles bilang pang-ibabaw na layer ng concrete.

Lahat ng tubig na tatama sa ibabaw ng concrete ay dadaan sa isang matrix hanggang sa makarating ito sa mga tipak-tipak ng bato kung saan may nakalagay na drainage channels.

Sa ganitong paraan, napapataas ang dami ng tubig na kaya nitong sipsipin.

Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang pagkakaroon ng puddles at potholes sa daan.

Makakatulong rin ito na masolusyonan ang problema ukol sa pagbaha, at maaari rin nito mabawasan ang pag-init ng daan sa mga panahong tag-init.

Maaari ring maging imbakan ng tubig ang ilalim nito.

Tags: