Nadagdagan ng mahigit sampu pang kongresista ang pumirma sa House Resolution upang ma-override ang veto ng Pangulong Aquino sa dagdag P2,000 na monthly pension ng mga SSS retirees.
Sa kabuoan ay may 75 kongresista na ang pumirma sa resolusyon, katumbas ito ng two- thirds sa 192 votes na kailangan para ma- override ang veto ng Pangulong Aquino at tuluyan nang maisabatas ang Panukala.
Kumpiyansa naman si Bayan Muna Party-list Rep. Neri Colmenares na aabot sa 192 votes ang mga kongresista na pipirma sa pag-override sa veto ng Pangulong Aquino sa pag-convene ng Congress sa May 23.
Ilan sa mga dumagdag na pumirma ay sina Rep.Lino Cayetano, Laguna Rep. Sol Aragones, Caloocan City Rep. Enrico Echiverri, Tarlac Representative Kimi Cojuangco na kamag- anak ng mga Aquino, Navotas Representative Tobias Tiangco, Marikina Representative Marcelino Teodoro, Bohol Rep. Arthur Yap at Sarangani Representative Manny Pacquiao.
Kapag naipagtagumpay ang override sa Kamara, katulad ng two thirds o 16 na boto naman ang kakailanganin sa Senado upang ang veto sa panukala ng pangulo ay maging isang ganap na batas.
Samantala, sinabi ng isa sa mga pumirma na si Buhay Party-list Rep.Lito Atienza na susubukan niyang ire-file ang SSS pension increase sa 17th Congress sakaling hindi makamit ang override sa pagbabalik ng 16th Congress sa May 23.
(Aiko Miguel / UNTV Radio Reporter)
Tags: pag- override, Pangulong Aquino, panukalang SSS pension increase, two thirds na, veto