Kahirapan, pangunahing dahilan ng pang-aabuso sa mga kabataan – DSWD

by Radyo La Verdad | July 19, 2016 (Tuesday) | 4831

AIKO_DSWD
Sa mga natatanggap na ulat ng Department of Social Welfare and Development na kaso ng pang-aabuso sa mga bata, kadalasang ang kahirapan ang nagtutulak sa mga magulang na gawin ito.

Kabilang dito ang child trafficking at child labor.

Isang halimbawa nito ang pananakit sa tatlong taong gulang na batang babae sa mexico, pampanga.

Bukod sa pananakit, isa ring binabantayan ng kagawaran ang paggamit sa mga bata sa pagbebenta ng illegal drugs.

Ayon sa DSWD mapapabilis ang pagsugpo sa tumataas na bilang ng iba’t-ibang uri ng mga pang-aabuso sa bansa kapag inumpisahan ang pagpapalakas ng programa sa mga komunidad. Hindi lamang umano ito laban ng kagawaran kundi maging ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan upang maisalba ang buhay at maihanda ang mga kabataan para sa maayos na kinabukasan.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , ,