Kahandaan at sapat na suplay ng kuryente sa mismong araw ng eleksyon tiniyak ng MERALCO

by Radyo La Verdad | April 6, 2016 (Wednesday) | 1147

MERALCO
Tiniyak ng MERALCO ang kanilang kahandaan sa araw ng eleksiyon sa Mayo nueve.

Ayon kay Ferdinando Geluz, ang vice president at head ng home and microbiz ng MERALCO, sa kasalukuyan ay nasa 75 percent na ng kanilang mga pasilidad ang nasuri na at sinigurong handang gamitin para sa halalan.

Habang nasa 91 percent naman ng mga polling precint ang nasurvey at naisaayos na ang maintenance ng power supply.

Maglalaan naman ang MERALCO ng mga karagdagdagan equipment na maaring gamitin sa mga polling precint, sa mismong araw ng eleksyon

Para sa karagdagan impormasyon kung papaano makakapag-avail ng mga naturang equipment,tumawag lamang sa meralco hotline number sa 632-8118, o makipagugnayan sa pamamagitan ng mga social media accounts ng MERALCO.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,