Kahandaan sa inaasahang pagdagsa ng mga maghahain ng ITR bago ang deadline sa April 15, tiniyak ng BIR

by Radyo La Verdad | April 13, 2016 (Wednesday) | 4400

ITR
Tatlong araw na lamang ang nalalabi bago sumapit ang deadline ng Bureau of Internal Revenue sa paghahain ng 2015 Income Tax Return.

At batay sa karanasan ng BIR, sa mga ganitong panahon dumaragsa ang mga nagpa-file ng ITR.

Bagaman electronic na ang filing system ng itr, naniniwala ang komisyon na possibleng pa ring dumami ang mga online transaction lalo na sa mga last minute filer.

Bunsod nito tiniyak naman ng BIR na handa silang i-accomodate ang lahat ng mga tax payer gamit ang kanilang online platfor.

Sa kasalukuyan, gumagamit ang BIR ng version six ng tax software kung saan upgraded at mas marami ang transaction na mapo-proseso.

Layon ng electronic filing na mapabilis ang transaksyon sa paghahain ng ITR at upang maiwasan ang mga pagkakamali sa pageencode ng mga impormasyon.

Bukod dito, inilunsad rin kanina ng BIR at ng isang telecommunition company ang mobile-based system ng pagbabayad ng tax.

Gamit ang isang mobile application, hindi na kailangan pang pumila sa mga banko upang makapagbayad ng buwis.

Kinakailangan lamang sundin ang instructions ng application, at pagkatapos nito ay makatataggap ng confirmation message ang isang payer, katibayan na successful ang kanyang transaksyon.

Inaasahan namang aabot sa dalawang milyong taxpayer anggagamit ng e-tax payment.

Samantala,muli namang ipinaalala ng BIR sa mga taxpayer na iwasan ang last minute filing upang hindi na magbayad ng anumang penalty.

(Joan Nano/UNTV NEWS)

Tags: , ,