Muling nag-inspeksyon kaninang umaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 si Department of Transportation and Communications Secretary Joseph Emilio Abaya.
Ito ay upang siguruhing handa na ang ating paliparan para sa pagdating ng mga delegado ng Asia Pacific Economic Cooperation sa Nobyembre.
Pasado alas nueve ng umaga nang umpisahan ni Secretary Abaya ang pag-iikot sa buong paliparan.
Ayon sa kalihim, kapansin-pansin na kung ikukumpara ang kasalukuyang airport sa dating istura nito ay mas maliwanag, mas malinis at mas transparent na ngayon.
At bilang paghahanda sa pagdating ng mga delegado nakahanda na ang plano ng naia para sa pag-aasikaso sa mahigit sa dalawampung APEC Leader na bibisita dito sa bansa.
Matapos ang inspeksiyon, tiniyak ng DOTC na handa na ang NAIA Terminal 1 para sa inaasahang pagdating ng mga delegado.
Nilinaw naman ng ahensya na ang ginagawang rehabilitasyon sa Terminal 1 ay para mabigyan ng mas maayos na serbisyo ang ating mga kababayan at hindi lamang ang mga delegado ng APEC.
Taong 2013 ng bansagang world’s worst aiport ang Ninoy Aquino International Airpot ng isang blog na may pamagat na “The guide to sleeping in airports”. (Joan Nano / UNTV News)
Tags: Asia Pacific Economic Cooperation, DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya