Nagsagawa ng Nationwide Earthquake Drill ang Office of Civil Defense upang subukan ang kahandaan ng mga responder sakaling magkaroon ng malakas na lindol sa bansa.
Ilan lamang sa mga scenario sa Bonifacio Global City Taguig ay may nasugatan,nasunog na gusali at may mga na-rescue mula sa loob ng isang building na kasalukuyan ginagawa.
Ang 5th avenue sa BGC grounds ang nagsilbing ceremonial site ng drill kasabay ang ibat ibang lugar tulad ng Camp Aguinaldo, Villamor Golf Course, at sa mga lalawigan.
Ipinakita kanina ang kahandaang ng bawat ahensya ng gobyerno na rumesponde sa oras na magkaroon ng magnitude 8 na lindol sa bansa.
Ayon sa OCD, nagsilbing rehearsal ang earthquake drill para sa mga responders kung paano tutugon sa kalimidad na tulad ng lindol.
Kasama sa mga nakilahok sa drill ay ang Bureau of Fire Protection, Taguig Rescue Team, PNP, at ibat ibang volunteers.
Paliwanag ng OCD, iba iba ang isinagawang scenario sa bawat lugar na pinagdausan ng earthquake drill.
Nakadepende ito sa kung anong klaseng mga establishimyento ang mayroon sa isang lugar.
Napili naman itong Taguig City bilang ceremonial site dahil sa lokasyon at mga istraktura dito.
Nakatakdang gumawa ng assessment sa susunod na linggo ang mga concerned government agencies kaugnay ng mga isinagawang drill upang alamin kung ano pa ang mga dapat ayusin.
Ito’y bilang paghahanda na rin sa gaganaping Metro Wide Earthquake Drill sa July 30.
Ayon naman sa PHIVOLCS, bagamat sa kabuuan naging maayos ang isinagawang simulation, may mga dapat pang ikunsidera sa susunod na drill tulad ng mga sasakyan na sa kalsada.
Tags: Bonifacio Global City Taguig, Nationwide Earthquake Drill