Kabuuang take home pay sa ilalim ng TRAIN Law, malalaman na sa pamamagitan ng tax calculator ng DOF

by Radyo La Verdad | January 15, 2018 (Monday) | 3626

Madaling gamitin ang tax caculator ng DOF sa tulong ng computer na mayroong internet connection, bisitahin lamang ang www.taxcalculator.ph

Piliin ang kategorya kung ikaw ay single o may asawa, kung may asawa piliin rin kung ilan ang bilang ng iyong dependents o anak. Ilagay sa nakalaan na space kung magkano ang kabuuang sweldo sa loob ng isang buwan.

Huwag kalimutang piliin kung ikaw ba ay nagtatrabaho sa isang pribadong kumpanya, gobyerno o isang OFW, at pindutin ang button na kalkulahin.

Matapos nito, agad makikita ang kabuuang take home pay mo sa loob ng isang buwan. Mapapansin ang epekto ng mas pinababang income tax kumpara sa dating sistema na kung saan malaki ang nakakaltas sa sweldo dahil sa buwis.

Makikita rin sa webpage kung magkano ang posibleng impact ng TRAIN Law dahil sa dagdag-buwis sa iba’t-ibang mga produkto at serbisyo gaya ng sa langis, sweetened beverages, sigarilyo at iba pa.

Dinumog naman ng komento at mga tanong ang facebook page ng DOF, isa dito si Jane Latorilla Melchor na nagtatanong kung mayroong tax ang 13th month pay at ibang bonus.

Nagkomento naman si Melvin Atayan kaugnay sa epekto ng TRAIN sa mga walang regular na income at epekto ng excise tax sa publiko.

Kinuwestyon naman ni Marnz San Juan ang option sa tax calculator na single o married at kung mayroong mga dependents.

Ayon sa DOF, wala silang impormasyong kinukuha mula sa mga datos na ibinabahagi sa tax calculator para maprotektahan ang privacy ng lahat.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,