Kabutihan sa mga alagang hayop, ipinakita ng ilang mga Pilipinong naapektuhan ng “Bagyong Rolly”

by Erika Endraca | November 3, 2020 (Tuesday) | 1201

Trending ngayon sa social media ang mga litratong pinost ng isang netizen na nagpapakita ng mga taong hindi pinabayaan ang kanilang mga alaga sa panahon ng “Bagyong Rolly”.

Makikita sa mga larawang kinuha ang pagsisikap ng mga may ari sa hayop upang ito’y iligtas sa kasagsagan ng bagyo.

Matatandaan na naging mainit na usapin ang pagpapabaya sa mga alagang hayop matapos ang mga nagdaang kalamidad noong nakaraang taon.

Nakasaad sa Animal Welfare Act of 1998 na sinomang magpakita o magparanas ng kalupitan, pagpapabaya, at maling pagtrato sa mga alagang hayop at mapatunayan na ang taong iyon ay nagkasala ay papatawan ng multang umaabot sa P30,000 hanggang P100,00 o pagkakulong na aabot sa 6 na buwan o hanggang 2 taon.

Kaya naman umani ang post ng libo-libong reaksyon at mga positibong komento mula sa mga netizens.

Sa gitna man nang nagdaang kalamidad, napatunayan na may taong hindi hayop ang turing sa kanilang mga alaga kundi kapamilya na kahit sa panahon ng sakuna ay hindi iniiwan at pinababayaan.

(Kyle Nowel B. Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,