Kaanak ng ministrong si Lowell Menorca, naghain ng petition for habeas corpus laban sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo

by Radyo La Verdad | October 21, 2015 (Wednesday) | 2530

MENORCA
Naghain ng panibagong kaso laban sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo ang kaanak ng ministrong si Lowell Menorca the second.

Isang petisyon ang inihain sa Korte Suprema ng kapatid ni Menorca na si Anthony at ang hipag nito na si Jungko Otsukapara sa writ of habeas corpus at writ of amparo.

Hinihiling sa petisyon na atasan ng Supreme Court ang Iglesia ni Cristo na ilabas si Menorca, asawa nitong si Jinky Otsuka, anak na si Yurie Keiko Mernoca at kasangbahay na si Abegail Yanson.

Respondent sa naturang petisyon ang executive minister ng INC na si Eduardo Manalo, at mga miyembro ng sanggunian na sina Radel Cortez, Bienvenido Santiago at Rolando Esguerra.

Hinihiling din sa petisyon na bigyan ng proteksyon ang pamilya ni Menorca.

Kumbinsido ang kapatid ng asawa ni Menorca na si Jungko Otsuka na nasa panganib ang buhay ng kanyang kapatid at pamilya nito na bantay-sarado umano ng mga gwardiyang may matataas na kalibre ng baril sa loob ng INC compound.

Isa si Menorca sa pinaghihinalaan ng INC na nasa likod ng blog ng isang Antonio Ebanghelista na nagbunyag ng umano’y mga katiwalian at krimen sa loob ng Iglesia ni Cristo.

Isa rin si Menorca sa mga sampung ministro na ipinadukot umano ng sanggunian ng INC.

Lumutang si Menorca noong Hulyo upang itanggi ang mga alegasyon.

Tags: , ,