Justice Sec. Leila De Lima, itinangging tumatanggap ito ng allowance mula kay Gov. Mangudadatu

by dennis | May 20, 2015 (Wednesday) | 2089
File photo
File photo

Rubbish o basura, ito ang galit na pahayag ni Justice Sec. Leila De Lima sa isang text message matapos na madawit ang kaniyang pangalan na umano’y tumatanggap ng limang milyong pisong monthly allowance mula kay Maguindanao Gov. Esmael Toto Mangudadatu.

Ang isyu ay nagmula sa naging pahayag ni Jerramy Joson sa kaniyang inihaing reklamong serious illegal detention laban sa kampo ni Mangudadatu sa Pasay Prosecutors Office kung saan narinig umano ni Joson mula kay Atty. Nena Santos na magkakampi sila ng kalihim at tumatanggap ito ng limang milyong pisong monthly allowance mula sa gobernador.

Ayon kay De Lima, malaki nang kasiraan ang naidulot ni Joson sa kagawaran mula ng ilabas niya ang listahan ng umano’y listahan ng mga opisyal ng DOJ na tumanggap ng suhol mula sa ma Ampatuan upang paburan sila sa kaso ng Maguindanao Massacre.

Dagdag pa ng kalihim, aalamin nila ang tunay na katauhan ni Jerramy Joson at kung sino ang nasa likod ng mga paninirang ito at hindi niya papayagan ang sinoman na sirain ang intitusyon at ang Maguindanao Massacre case.(Jerolf Acaba/UNTV Radio)

Tags: , ,