Justice Sec. Aguirre, itinangging may cover-up sa Espinosa killing

by Radyo La Verdad | July 28, 2017 (Friday) | 2413


Wala umanong pinagtatakpan ang Department of Justice sa pagkakapatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Sagot ito ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa pahayag ng ilang senador sa pagdinig noong Miyerkules na tila may cover up sa kaso ng alkalde matapos ibaba sa homicide mula murder ang kaso.

Nakapagpyansa at balik-serbisyo na ang mga dating tauhan ng PNP-CIDG Region 8 na sangkot sa pagkakapatay kay espinosa sa pangunguna ni P/Supt. Marvin Marcos. Nanindigan din ang kalihim sa pasya ng DOJ na ibaba sa homicide ang naturang kaso.

Hindi naman aniya ibig sabihin na may sabwatan ay talagang sinadya na ang pagpatay sa alkalde. Hindi rin aniya kakatwa na nabaliktad ang resolusyon ng piskal sa kaso.

Batay sa findings ng prosecutor na unang nag-imbestiga sa kaso, sinadya ang pagpatay kay espinosa kaya kinasuhan ng murder ang mga pulis.

Ganito rin ang naging resulta ng imbestigasyon ng NBI.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , ,