Justice Ministry, tiniyak ang seguridad sa Rio Olympics

by Radyo La Verdad | July 6, 2016 (Wednesday) | 5910
Seguridad sa Rio Olympics(REUTERS)
Seguridad sa Rio Olympics(REUTERS)

Tiniyak ng Justice Minister ng Brazil na handang-handa sa seguridad na ipatutupad sa pagdaraos ng Rio de Janeiro Olympics.

Ginawa ng justice minister ang pahayag sa gitna ng serye ng mga pambobomba sa iba’t ibang bansa.

Pangungunanahan ng National Public Security Force ang pagpapatupad ng security measures habang idinaraos ang olympics.

Aabot sa dalawampu’t pitong libong security personnel ang idedestino ng Brazil government sa mga lugar na pagdarausan ng mga palaro para sa kaligtasan ng mga atleta at manonood.

Tags: ,