Justice Lucas Bersamin, itinalaga bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema

by Radyo La Verdad | November 28, 2018 (Wednesday) | 32221

Itinalaga bilang pinakabagong punong mahistrado ng Korte Suprema si Justice Lucas Bersamin.

Si Bersamin ay nagsilbi bilang associate justice ng Court of Appeals (CA) noong Marso 2003 bago siya maitalaga sa Supreme Court noong 2009.

Nagsilbi rin siya bilang Huwes sa Quezon City Regional Trial Court Branch 96, ngunit bago nito ay nagsilbi rin siya sa private legal practice.

Ilan sa mga nadesisyunan ni Bersamin ay ang pagdeklarang unconstitutional sa Disbursement Acceleration Program (DAP) sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Noong Hulyo 2016, bumoto rin ito pabor sa pagbasura sa plunder case kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kaugnay ng P366 milyong piso na PCSO funds.

Kinatigan din nito ang pagpapalibing kay yumaong Pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani. Maging ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao nitong Pebrero 2018 at ang pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.

Sa Oktubre 2019 nakatakdang magretiro si Bersamin.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

Tags: , ,