Justice de Castro at Jardeleza, tetestigo laban kay Sereno – Atty. Gadon

by Radyo La Verdad | September 26, 2017 (Tuesday) | 1415

Anim na mga mahistrado ng korte suprema ang posibleng tumestigo sa impeachment case ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Sa panayam ng programang Get it Straight with Daniel Razon, sinabi ni Atty. Larry Gadon na nakasaad naman sa kanyang reklamo kung sinu-sino ang pwedeng ipatawag ng Kongreso. Dalawa rito ay dati nang nakabanggaan ni Sereno, sina Justice Teresita Leonardo de Castro at Francis Jardeleza.

Tinutulan ni de Castro ang kautusan ni Sereno sa paglikha ng Regional Court Administration Office sa Visayas dahil wala itong pahintulot ng Supreme Court En Banc. Isa ito ngayon sa kaso laban kay Sereno sa impeachment complaint.

Noong 2014, kinuwestyon ni Sereno ang integridad ni Jardeleza na noo’y aplikante pa lamang bilang mahistrado. Ayon kay Gadon, minanipula ni Sereno ang Judicial and Bar Council kaya’t nalaglag sa shortlist si Jardeleza.

Kinailangan pang magpetisyon ni Jardeleza na kinatigan naman ng Korte Suprema kaya’t naisama rin siya sa listahan at naitalagang S.C. Justice.

Sinusubukan pa ng UNTV na makuha ang panig ng JBC tungkol dito.

 

( Roderic Mendoza / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,