Judiciary Magis, tinalo ng Senate Defenders sa pamamagitan ng 1 point technical free throw

by Radyo La Verdad | December 17, 2018 (Monday) | 24809

Nagpaalam na sa liga ang two time champion Judiciary Magis matapos talunin ng defending champion Senate Defenders sa kanilang dikdikang sagupaan kahapon sa Meralco Gymnasium sa Pasig City sa score na 64 – 63.

Bagaman maituturing na non-bearing na sa judiciary ang kanilang game kahapon, ipinamalas pa rin nito ang dedikasyon na maipanalo ang game.

Last 2 minutes, abante ang Judiciary ng tatlong puntos, 63-60. Ngunit naipasok ni Harly ang 3 point shot kaya naitabla sa 63 points ang score.

Binigyan naman ng technical foul ang bench ng Magis na maswerteng naibuslo ni James Mangaran na nagbigay ng 1 point advantage sa Senate, 1 minute and 38 second na lang nalalabi.

Pinilit na maghabol ng Judiciary ngunit sumablay na ang kanilang mga tira hanggang sa maubos ang oras.

Best players of the game sina Rey Malaga na may 11 points at 5 rebounds at si Harly na may 13 points. Sa kauna-unahang pagkakataon, si Harly ang nakapagtala ng tatlong sunod na Best Player of the Game in a Season sa UNTV Cup. Nag-ambag naman si Jeffrey Sanders ng 10 points at 14 rebounds.

Dahil sa panalo, nanatiling nasa ika-apat na pwesto ang Defenders na ngayoy may 6-3 win loss record at aabante na sa quarter finals sa Enero.

Winalis lahat ng PNP Responders ang kanilang kalaban sa second round eliminations ng UNTV Cup Season 7.

Dahil dito, umakyat pa sa ikalawang pwesto ang PNP mula sa ikatlong pwesto matapos talunin ang Malacañang-PCS Kamao kahapon sa score na  81-73.

Best Players of the Game sina Ollan “the snipper” Omiping na may 25 points at si Ricardo Cabrera Jr. na may 12 points.

Dahil sa panalo, lumaki ang tsansya ng PNP na makuha ang isa sa dalawang automatic slots para sa semi-finals. Didipende ito sa resulta ng bakbakan ng Malacañang at AFP sa ika-6 ng Enero.

Kung mananalo ang Malacañang, magkakaroon ng triple tie sa unang pwesto ang AFP, Malacañang at PNP.

Sakaling mangyari ito, i-aapply ang quotient system at win over the other rule.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

Tags: , ,