Joni Villanueva, naiproklama na bilang mayor ng Bocaue, Bulacan sa pamamagitan ng toss-coin

by Radyo La Verdad | May 10, 2016 (Tuesday) | 2908

NESTOR_DANAO
Sa isang pambihirang pangyayari sa kasaysayan ng eleksiyon sa pilipinas, nagwagi si Joni Villanueva sa mayoralty race sa Bocaue, Bulacan sa pamamagitan ng toss-coin.

Tinalo ni Villanueva sa toss-coin si Jim Valerio matapos na magtabla sila sa bilang ng nakuhang boto.

Isinagawa ang makasaysayang toss-coin kaninang pasado ala-una ng hapon ng Election Board of Canvassers.

Batay sa COMELEC Resolution Number 10083, sakaling magtabla ang dalawang kandidato ay ireresolba ito sa pamamagitan ng palabunutan o toss-coin.

Best-of-three ang toss coin nina Villanueva at Valerio.

Si Municipal Election Officer Deogracias Diano ang nagsagawa ng toss-coin.

Ang nanalo sa toss-coin na si Villanueva ay kapatid ng dating mayor ng Bocaue at ng senatorial candidate ng si Joel Villanueva..

Matapos ang punong -puno ng tensiyon na toss-coin ay kaagad na napa-iyak at nagpasalamat sa Diyos si Mayor Joni Villanueva.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , ,