Mismong si Speaker Pantaleon Alvarez ang maghahain ng joint resolution sa Kamara para ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay Cong. Alvarez, marami pang posisyon ang hindi napupunan ng executive branch at magkakaroon ng conflict kung itutuloy ang halalan sa darating na Oktubre.
Ayon naman kay House Committee on Suffrage and Electoral Reform Chairman Sherwin Tugna posibleng maging epektibo ang joint resolution sa ikalawang linggo ng Setyembre.
Sa senado, labimpitong senador na ang lumagda sa draft report ng Committee on Local Governemnt para sa pagpapaliban ng naturang eleksyon sa October 30, 2017.
Nitong nakaraang linggo, sinabi ng pangulo na sinusuportahan nito ang hakbang ng Kongreso dahil sa pangambang magamit ang drug money para pondohan ang mga kandidato.
Bunsod nito, pansamantalang ipinatigil ng Commission on Elections ang pag-iimprenta ng mga balota na gagamitin sa barangay at SK elections.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, tila may consensus na ang pangulo at kongreso upang ipagpaliban ang darating na halalan kaya sila nag desisyon na itigil muna ang pag-iimprenta ng balota.
Ngunit ayon sa NPO, hangga’t wala batas o joint resolution kaugnay ng election postponement, itutuloy nila ang ballot printing sa September 1.
Nasa mahigit apat naraang libo na mula sa walumpu’t limang milyong kakailanganing balota para sa barangay at SK elections ang na-imprenta na ng National Printing Office simula noong August 21.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: ihahain bukas sa Lower House, Joint resolutionsa pagpapaliban ng barangay at SK elections
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com