Inaasahang maaprubahan na bago ang session break ngayong linggo ang joint resolution para sa karagdagang dalawang libong pisong SSS pension.
Ayon kay Bayan Muna Party-List Representative Carlos Zarate na pangunahing nagsusulong ng batas para sa pension hike, nagkasundo na sila ng Senado para sa pag-apruba ng resolusyon.
Batay sa resolusyon, hahatiin sa dalawa ang pagbibigay ng increase kung saan ang unang isang libong piso ay posibleng ibigay ngayong buwan o sa Enero ng susunod na taon at ang pangalawa ay sa December 2019.
Isusulong rin ng Lower House ang mga panukalang batas para sa pagpapalakas ng SSS upang makatugon sa hinaharap na hamon tulad ng pension hike.
Noong January 2016, umaabot na sa halos 33 million ang SSS members at mahigit dalawang milyong retirees ang nakakatanggap ng pension.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: 000 SSS pension hike, Joint resolution para sa P2, nakatakdang aprubahan bago ang session break ng Kongreso