Joint provincial security control meeting para sa Secured and Safe Election sa Nueva Ecija, tinalakay ng COMELEC, Philippine Army at Philippine National Police

by Radyo La Verdad | April 12, 2016 (Tuesday) | 1288

COMELEC
Dinaluhan ng 32 chief of police ang joint provincial security control meeting para sa Secured and Safe Election o S.A.F.E na inorganisa ng COMELEC kasama ang mga kinatawan ng Philippine Army,at Philippine National Police.

Layunin nito na magkaroon ng mapayapa at malinis na halalan sa darating na eleksyon.

Sa isinagawang command conference, inilatag ng Philippine National Police at Philippine Army ang kani- kanilang peace security plan para may 2016 national and local election.

Ipinahayag ni Philippine Army 703rd Infantry Brigade Commander Colonel Felimon Santos na maglalagay sila ng 13 officers, 178 enlisted personel, at apat na platoon sa bawat section sa araw ng halalan.

Maglalagay din sila ng mga armored asset sa mga concern areas ng probinsya partikular sa lunsod ng Cabanatuan bilang bahagi ng kanilang deployment plan.

Inilatag din ng COMELEC ang kanilang deployment plan para sa mga Vote Counting Machines o VCM na gagamitin sa halalan.

Pagkatapos nito nagsagawa naman ng peace signing ang mga kinatawan ng bawat ahensya bilang pag sang-ayon sa mga tinalakay at napagkasunduang peace security plan para sa malinis at mapayapang halalan sa darating na Mayo.

(Danny Munar / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , ,