Joint exploration ng Pilipinas at China sa WPS, nais pang busisiin ng ilang senador

by Radyo La Verdad | August 28, 2018 (Tuesday) | 2127

Sumalang na sa deliberasyon sa Senado ang 27.4 bilyong piso na panukalang budget ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Muling binusisi ng ilang mga senador ang foreign policy ng administrasyon at kung papaano nilulutas ang usapin ng maritime rights sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, taliwas sa sinasabi ng mga kritiko ng administrasyon, ipinatutupad na nila ang ilan sa mga nilalaman ng arbitration ruling.

Idinepensa rin ng kalihim ang tungkol sa pinaplano ng China at Pilipinas na joint exploration sa WPS.

Ayon sa kalihim, posibleng sa susunod na mga buwan ay ilabas na nila ang framework para sa pinapanukalang joint oil at gas exploration ng dalawang bansa.

Sa kabila nito, nais pang busisiin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang binubuong joint exploration ng dalawang bansa.

Pinagsusumite ng mga senador ng written briefing ang DFA tungkol sa mga isyung ito.

Hiniling naman ng DFA sa mga senador na pag-usapan ang iba pang sensitibong isyu sa isang closed-door meeting kabilang na ang nilalaman ng diplomatic protest ng bansa sa Tsina at iba pang isyu sa WPS.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,