Isinailalim sa lockdown ang US Joint Base Andrews kagabi matapos na makatanggap ito ng ulat na umano’y active shooter sa loob ng base.
Ang US Joint Base Andrews ay isang military facility kung saan nakahimpil ang U-S Presidential Aircraft na Airforce one.
Ayon sa mga otoridad, nakatakda sanang magsagawa ng active shooter exercise sa lugar ngunit sa halip ay mayroong nag-report na may totoong active shooter sa lugar.
Ngunit pagkalipas ng ilang oras ay ni-lift na ang lockdown at idineklarang false alarm ang active shooter incident.
(UNTV RADIO)
Tags: Joint Base Andrews, lockdown