Iginiit ni John Paul Solalo na may mga hawak silang ebidensiya na magpapatunay na wala siyang kaugnayan sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Castillo III. Ayon kay Solano, hindi siya kasama ng isagawa ang initiation rites kay Castillo.
Inactive member na aniya siya sa Aegis Juris Fraternity at nasa bahay siya ng tinawagan para magbigay ng medical assistance sa hazing victim na si Atio.
Ayon kay Solano, nagpasya siyang sumuko upang tumulong na mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Castillo.
Samantala, hinihintay naman ng Manila Police District ang resolusyon ng Department of Justice sa reklamong kanilang isinampa laban kay Solano at 17 iba pa.
Samantala, nakatakdang siyasatin ng Manila Police District ang lugar kung saan naganap umano ang initiation rites ni Atio.
Nakakordon at nakabantay na ang mga tauhan ng MPD sa labas ng opisina ng Aegis Juris Fraternity sa Laon Laan Navarra Street sa Sampaloc, Manila.
hinihintay pa ng mga pulis na makakuha ng search warrant upang mapasok ang opisina at makapag imbestiga sa crime scene.
( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )