Pinagbabayad nang Missouri State Jury ang American pharmaceutical giant na Johnson & Johnson ng $72 milyon na danyos sa pamilya ng isang babaeng namatay dahil sa ovarian cancer.
Pinagbayad ng korte ang kumpanya sa pamilya ni Jacqueline Fox na naninirahan sa Birmingham, Alabama matapos mapatunayan na ang produkto nito ang sanhi ng cancer.
Sinabi ni Fox na ginagamit niya ang baby powder ng mahigit sa 35 taon bago siya na-diagnose na may ovarian cancer tatlong taon na ang nakakaraan.
Namatay si Fox noong Oktubre nang nakaraang taon sa edad na 62-anyos.
Halos nasa isang libong kaso ang inihain sa Missouri State Court at 200 naman sa New Jersey.
Tags: $72-M, isang babaeng, J&J, ovarian cancer