Jeff Horn, nadepensahan ang titulo nang maghari vs Corcoran via TKO

by Radyo La Verdad | December 14, 2017 (Thursday) | 1665

Kinailangan ni WBO Welterweight Champion Jeff Horn ang second wind  upang talunin ang British Challenger na si Jeff Corcoran sa kanilang sagupaan kahapon na idinaos sa Brisbane Convention and Exhibition Center.

Nahirapan ng husto si Horn at halatang napagod pero nakabawi ng lakas   para talunin si Corcoran sa pamamagitang ng technical knockout o TKO  sa elevent round.

Napilitan ang trainer ni Corcoran na awatin na ang sagupaan dahil sa malalim na sugat ng kaniyang boxer sa itaas ng kaliwang kilay at mukha, one minute and thirty five  seconds ng elevent round.

Sa ngayon, may record na si Horn na naagaw ang WBO Welterweight title sa kontrobersiyal na laban kay boxing icon Manny Pacquiao noong July na labingwalong panalo , walang talo , isang tabla at labindalawang knockouts.

Tulad ng sinabi ni Top Rank promoter Bob Arum ang mananalo kina Horn at Corcoran ay magsasagawa ng mandatory title defense sa walang talong si Terence Crawford.

Tags: , ,