Fighting Senator Manny Pacquiao, todo ensayo na para sa nakatakdang laban kay Jeff Horn sa Hulyo

by Radyo La Verdad | May 10, 2017 (Wednesday) | 2685


Kumustahin naman natin ang ginagawang paghahanda ni Fighting Senator Manny Pacquiao sa nakatakda niyang laban kay Jeff Horn ng Australia sa July.

Nasa ikalawang araw na ang training ng senador sa Elorde gym sa Mall of Asia Complex.

Tumagala ng dalawang oras ang ensayo ni Pacquiao na nagsimula bandang ala-una ng hapon kahapon.

Pero bago nag-gym, nag-jugging muna ang world champion sa umaga sa Forbes park.

Matapos ang mag-gym, deretso na si Pacquiao sa Senado.

Walong lingong training ang inilaan ni Pacquiao para sa kanyang laban kay Horn na idaraos sa Brisbane, Australia.

Tags: , ,