Jaybee Sebastian, posibleng bigyan ng amnestiya – Cong. Vicente Veloso

by Radyo La Verdad | October 11, 2016 (Tuesday) | 2628

jerico_sebastian
Sa ikaapat na pagdinig ng House Committee on Justice, inilahad ng convicted carnapper at kidnapper na si Jaybee Sebastian ang lahat ng nalalaman nito sa umano’y talamak na bentahan ng droga sa New Bilibid Prison noong si Senator Leila de Lima pa ang kalihim ng justice department.

Ayon Kay House Committee on Justice Vice Chair Representative Vicente Veloso, posibleng mabigyan ng amnestiya si Sebastian kung mapapatunayang totoo ang mga pahayag nito.

Si Sebastian ay isa sa binigyan ng immunity ng kamara bukod sa iba pang convicted drug lords tulad nina Peter Co at Vicente Sy upang tumestigo sa imbistigasyon kaugnay sa drug trade sa Bilibid.

Samantala, muli namang tinukoy ni House Justice Committee Chairman Representative Reynaldo Umali ang mga batas na irerekomenda nilang amiyendahan para sa imbestigasyon ng mga kasong may kinalaman sa illegal drugs.

Kagabi ang huling pagdinig ng kamara sa umano’y illegal drug trade sa NBP.

Ngunit maaring madugtungan pa ito kung susuko ang driver-bodyguard ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan na ngayo’y pinaaresto ng Lower House dahil sa hindi nito pagsipot sa mga pagdinig.

Si Dayan ang sinasabing nangolekta ng drug money sa Bilibid para kay Senator de Lima.

(Jerico Albano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,