Natakdang magtungo sa pilipinas si Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa January 12 hanggang 13 para sa isang state visit.
Siya ang kauna-unahang head of state na bibisita sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte.
Isa sa mga posibleng mapag-uusapan sa bilateral meeting nina Pangulong Duterte at Prime Minister Abe ang iniaalok ng Japan na 2.4 billion dollars na loan package.
Para ito sa bagong railway sa Maynila at Mindanao.
Kinumpirma naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na may 10 coastguard ships ding ibibigay ang Japan sa Pilipinas.
Bukod pa ito sa ipapaupang apat na maliliit na eroplano sa murang halaga.
Tags: ilalim ng Duterte Admin, Japanese PM Shinzo Abe, unang head of state na bibisita sa Pilipinas