Magsasagawa ng state visit sa Pilipinas sa January 12 hanggang 13 si Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Si Prime Minister Abe ang kauna-unahang head of state na bibisita sa bansa sa ilalim ng Duterte Administration.
Kabilang sa matatalakay sa bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at PM Abe ang ini-aalok ng Japan na loan package na nagkakahalaga ng 2-point-four billion dollars para sa pagtatayo ng railway sa Maynila at Mindanao.
Ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na magbibigay din ang Japan sa Pilipinas ng sampung barko sa Philippine Coast Guard.
Magpapaupa rin ang Japan sa Pilipinas ng apat na maliliit na eroplano.
Tags: Japan Prime Minister Shinzo Abe, nakatakdang bumisita sa bansa ngayong linggo