Japan PM Abe at US Pres. Obama, sabay na bumisita sa Pearl Harbor sa Hawaii

by Radyo La Verdad | December 28, 2016 (Wednesday) | 932
Japan PM Abe at US Pres. Obama(REUTERS)
Japan PM Abe at US Pres. Obama(REUTERS)

Magkasabay na binisita nina Japan Prime Minister Shinzo Abe at Barack Obama ang Pearl Harbor sa Hawaii pitumput limang taon ang nakalipas mula nang maganap ang pag-atake ng Imperial Japanese Navy Air Service sa US naval base.

Sa talumpati ni Japan Premiere Abe, sinabi nito na umaasa siya na ang pag-alaala sa Pearl Harbor ay maging isang simbolo ng pagkakasundo hindi lamang ng dalawang bansa kundi ng buong mundo.

Ayon naman kay US President Obama,mas naging matatag ang alyansa ng Japan at Amerika dahil sa magkaparehong interes sa pagsusulong ng kapayapaan.

Bagamat hindi si Abe ang unang Japanese leader na bumisita sa Pearl Harbor, ito naman ang unang pagkakataon na magkasamang nagbigay ng talumpati ang Japanese Prime Minister at U.S President.

Tags: , ,