Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Southern Japan bandang 9:30 kagabi kung saan 9 ang nasawi habang mahigit apat na raan ang naiulat na nasaktan.
Ayon sa U.S. Geological Survey naitala ang epicenter ng lindol sa layong labing isang kilometro silangan ng Kumamoto City.
Ayon kay Chief Government Spokeperson Yoshihide Suga, ilang gusali ang gumuho at nasunog ngunit wala namang nuclear facilities na naapektuhan sa Kyushu at Shikoku.
Pansamantala ding itinigil ang byahe ng mga high-speed train.
Nagbigay naman ng babala ang Metreological Agency ng Japan sa mga residente na maging alerto dahil sa inaasahang mga aftershock.
(UNTV NEWS)
Tags: Japan, magnitude, U.S. Geological Survey