Tiniyak ni Canadian Prime Minister Justine Trudeau na gumagawa na ng paraan ang pamahalaan upang mapaunlad ang pamumuhay ng mga naninirahan sa Aboriginal communities sa Northern Ontario.
Ginawa ni Trudeau ang pahayag bunsod ng pagtaas ng kaso ng mga nagtatangkang magpakamatay dahil sa hirap ng pamumuhay.
Dalawang Aboriginal community na ang isinailalim sa state of emergency.
Ang isa dito ay nakapagtala ng anim na suicide cases sa loob ng dalawang buwan at isang daan at apatnapung suicide attempts naman sa loob lamang ng dalawang linggo
Ayon sa pinakahuling datos ng Canadian Institute of Health, ang mga kabataang indigenous na may edad 15 hanggang 24 ang may pinakamataas na suicide rate.
Noong nakaraang buwan ay nangako ang pamahalaan na maglalaan ng $8.5 billion upang maayos ang pamumuhay at kalusugan ng mga indigenous people.
Tags: Aboriginal communities, Canadian gov’t, suicide attempts