Janet Napoles at Atty Gigi Reyes, humarap sa plunder trial hearing sa Sandiganbayan

by Radyo La Verdad | January 20, 2016 (Wednesday) | 1612

MARINA-SULA
Nagsimula na ngayong araw sa Sandiganbayan ang paglilitis sa kasong plunder nina Atty. Gigi Reyes at Janet Napoles, mga kapwa akusado ni Sen.Juan Ponce Enrile sa PDAF Scam.

Sumasailalim ngayon sa direct examination ang whistleblower na si Marina Sula, ang dating empleyado ni Napoles sa JLN Corporation.

Ayon sa prosekusyon, maraming nalalaman si Sula sa mga naging transaksyon nina Sen.Enrile at Atty Gigi Reyes kay Janet Napoles kaya’t isa ito sa mga iniharap nilang testigo.

Nahaharap sa kasong plunder sina Napoles, Reyes at Enrile dahil sa mahigit 172 million pesos na nakamal umano ng senador mula sa pageendorso ng kanyang Priority Development Assistance Fund o PDAF sa mga pekeng NGOs.

Tags: , , ,