Iaakyat ng kampo ni Janet Lim Napoles sa Korte Suprema ang kanilang apela na makapagpiyansa ito sa kasong plunder kaugnay ng PDAF Scam.
Ito ay matapos hindi katigan ng Sandiganbayan ang bail petition ni Napoles sa 3rd division.
Ayon sa abogado ni Napoles na si Atty.Stephen David, malabong katigan pa ng anti graft court ang ihahain na motion for reconsideration kaya’t handa na nila iakyat ito sa mas mataas na korte.
Naninidigan ang kanilang kampo na walang mabitay na ebidensya na naiprisinta ang kampo ng prosekusyon kaya’t nararapat lang aniya na payagan ang akusado na pansamatalang makalaya.
Nahaharap sa patong patong na kasong plunder at graft sa Sandiganbayan si Napoles dahil sa umano’y pakikipagsabwatan sa mga mambabatas upang mapakinabangan ang kanilang Priority Development Assistance Fund o PDAF.(Joyce Balancio/UNTV Correspondent)