Matapos mapawalang sala ng Court of Appeals noong Lunes sa kasong serious illegal detention, nakiusap ang kampo ni Janet Lim Napoles na ilipat siya sa NBI detention facility.
Ayon kay Atty. Steven David, abogado ni Napoles, sumulat siya sa Department of Justice kahapon para hilingin na ilipat si Napoles sa kustodiya ng NBI mula sa Bureau of Corrections o BuCor.
Maghahain rin sila ng isang manifestation sa sandiganbayan dahil ito ang may hurisdiksyon ngayon kung saan dapat dalhin si Napoles.
Sa limang kaso na inihain laban kay Napoles, dalawa lamang ang napagbigyan na siya ay makapagpiyansa.
Habang ang tatlong plunder case na sangkot ang tatlong senador ay hindi pinayagan ng Sandiganbayan.
Pinag-iisipan na ng kampo ni Napoles ang iba pang legal remedy upang mapayagan ito ng graft court na makapag bail.
Ayon pa kay Atty. David, makakaapekto sa kredibilidad ni Benhur Luy bilang isang witness ang pagkaka acquit ni Napoles sa kasong serious illegal detention.
Ayon naman kay Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, kailangan pa muna nilang maglabas ng isang kautusan para sa mailipat ng kulungan si Napoles.
(Mon Jocson)
Tags: Janet Lim Napoles, NBI Detention Center, Sandiganbayan