Nais rin ng House Committee on Dangerous Drugs na malaman naman ang kakulangan at problema sa mga jail facility sa bansa.
Ayon kay Committee Chairman Cong.Robert Ace Barbers, hindi lamang dapat nakatuon ang mga imbestigasyon sa paglaganap ng droga sa mga kulungan kundi pati na rin kung paano mapipigilan ang pagpasok nito.
Sa ngayon aniya ay hinihintay muna nila ang committee report sa katatapos na NBP drug probe bago ikalendaryo ang pagdinig naman sa kalakaran at sistema sa mga Bilibid.
Naniniwala si Congressman Barbers, magiging na mas epektibo ang kampanya laban sa droga, kung maiimbistigahan ang lahat ng prison facilties sa buong Pilipinas.
(Aga Caacbay / UNTV Correspondent)
Tags: iimbistigahan ng Kongreso, Jail facilities sa buong bansa