Iwas Paputok Campaign, muling inilunsad ng DOH sa mga paaralan

by Radyo La Verdad | December 14, 2015 (Monday) | 1938

GRACE_PAPUTOK
Bilang bahagi ng mas pinalawak na kampanya kontra paputok ngayong holiday season, muli itong dinala ng Department of Health sa paaralan.

Sa San Fernando La Union, dinaluhan ng mga grade one student ng Catbangan Elementary School kasama ang kanilang mga magulang ang isinagawang information dissimination ng doh kaugnay sa Oplan Iwas Paputok.

Katuwang ng ahensya sa programa ito ang Philippine National Police at Department of Education.

Layon ng programa na mahikayat ang mga mag-aaral na huwag nang bumili o gumamit ng paputok sa nalalapit na pagpapalit ng taon.

Nagpaalala rin ang DOH sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak dahil marami sa mga nabibiktima ng paputok ay mga kabataan.

Sa pagpasok ng taong 2015, mahigit sa isang daan at walumpung kaso ng biktima ng paputok ay nasa edad na anim hanggang sampung taon.

Ipinahayag naman ng City Health Office na bago pa sumapit ang Disyembre ngayong taon ay may naitala na itong firecracker related incidents.

Tags: , ,