Iwas akyat bahay tips ngayong long holiday

by Radyo La Verdad | April 16, 2019 (Tuesday) | 3404

Bakasyon na! At marami sa ating mga kababayan ang sasamantalahin ang panahon na ito upang makapag relax. Panigurado ay marami ang maiiwan ang kanilang mga bahay ng ilang araw.  Ito naman ngayon ang sasamantalahin ng masasamang loob at mga akyat bahay gang upang magnakaw at looban ang ating mga tahanan.

Narito ang ilan sa mga tips upang makaiwas na mabiktima ng akyat bahay gang:

  1. Ikandado ang lahat ng pinto ay bintana, tiyakin na walang dadaanan ang sinomang may tangkang pumasok at magnanakaw.
  2. Mag-iwan ng mga lumang tsinelas o sapatos sa labas ng pintuan upang magmukang may tao sa loob.
  3. Itagubilin sa pinagkakatiwalaang kapitbahay ang inyong bahay at ipaalam din kung kailan kayo babalik.
  4. Kung maaari mag-iwan ng nakabukas na ilaw sa labas, lalo na sa madidilim na parte ng bahay.
  5. Mainam kung mayroong burglar alarm para ma alerto ang mga kapitbahay kung may pumasok sa inyong bahay.
  6. Kung may budget, mag-install ng CCTV na may motion detector upang mai-record kapag may pumasok o gumalaw sa loob ng bahay.
  7. Makakatulong rin ang pagkakaroon ng alagang aso bilang animal barrier. Kung wala namang aso ay makakatulong ang paglalagay ng signage na “Beware of Dogs.”
  8. Iwasang maglagay ng mamahaling gamit tulad ng mga gadgets katabi ng mga bintana, maaaring ma-enganyo ang mga magnanakaw kung may matatanaw na gamit sa labas.
  9. Iligpit ang anumang mahahalagang bagay o pagaari sa labas ng bahay na maaaring manakaw tulad ng mga damit na nakasampay, bisikleta at iba pa.
  10. Mag-ingat rin na mag post sa social media ng anomang impormasyon tungkol sa inyong lakad
  11. Iwasan ring maglagay ng note sa labas ng bahay na nagsasabing walang tao sa loob ng bahay

Tandaan ang mga tips na ito upang may mas ma-enjoy mo ang summer vacation na walang masyadong aalalahanin.

(Mon Jocson | UNTV News)

Tags: , ,