Tigil putukan sa pagitan ng Pamahalaan at NPA, magsisimula na mamayang hatinggabi

by Radyo La Verdad | December 22, 2015 (Tuesday) | 1741

rosali_npa
Kumpara noong nakalipas na taon, mas maikli ang inaprubahan ni Pangulong Benigno Aquino The Third na Unilateral Declaration of Suspension of Military and Police Operations o SOMO laban sa CPP-NPA.

Mag-uumpisa ito mamya isang minuto pagkatapos ng alas-dose ng hatinggabi hanggang ika-3 ng enero ng susunod na taon.

Ibig sabihin, upang bigyang-daan ang kapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at mga makakaliwang grupo, pansamantala
Munang ititigil ng militar at pulisya ang pagtugis sa kanila.

Nauna nang nag-anunsyo ng unilateral ceasefire ang CPP-NPA noong nakalipas na linggo.

Ngunit, nilinaw ng AFP at PNP na mananatili ang pagpapatupad nila ng law enforcement tulad ng paghuli sa mga may impending warrant of arrest.

Mananatili rin ang pagbabantay sa seguridad ng AFP at PNP sa mga komunidad, mga tanggapan ng pamahalaan, investment facility, vital installations kasama na ang mga base militar.

Naniniwala naman ang AFP at PNP na igagalang ng CPP-NPA ang deklarasyong ito ng pamahalaan at patuloy na umaasa sa pagbabalik loob ng mga rebelde sa pamahalaan.

Sa kabila nito, hindi naman titigil ang AFP at PNP sa pagtugis sa iba pang wanted na armadong grupo tulad ng Abu Sayyaf group at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,