ITCZ at LPA sa PAR, magpapaulan sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao

by Radyo La Verdad | June 5, 2018 (Tuesday) | 2589

Umiiral parin ang low pressure area (LPA) sa Philippine Area of Responsibility.

Namataan ito ng PAGASA sa 795km sa Silangan ng Surigao City. Posible parin itong maging bagyo subalit maliit na ang posibilidad na tumama pa sa bansa.

Ang intertropical convergence zone ITCZ at LPA ay magdudulot ng malalakas na pag-ulan sa Mindanao, Eastern Visayas at Western Visayas Pati sa Bicol region.

Ayon sa PAGASA, posibleng bago mangalahati ang buwan ng Hunyo ay idedeklara na ang tag-ulan.

 

Tags: , ,