Italy, bigo nang makapasok sa World Cup matapos ang 60 taong pamamayagpag

by Radyo La Verdad | November 20, 2017 (Monday) | 3197

Malungkot ang soccer fans sa  bansang Italy dahil matapos ang  60 taon na kasama sila sa FIFA World Cup, ngayong taon ay hindi na sila nakapasok.

Nauwi kasi sa 0-0 draw ang qualifying game nila laban sa Sweden kamakailan. Ang Italian team ay apat na beses nang nagchampion sa World Cup.

Sa loob ng anim na pung taon, noong 1958 ang unang beses na hindi sila nakapasok sa finals sa Sweden. Aminado naman ang team na hindi naging maganda ang kanilang performance.

Ang larong soccer ay seryosong pinaghahandaan ng mga bansa sa Europe, United Kingdom. Paborito nilang laro at bata pa lang talagang tinuturuan na nilang maglaro dahil target nila na makasama sa national team nila at makalaban sa FIFA World Cup.

Ang FIFA World Cup 2018 ay gaganapin sa bansang Russia.

 

( Edith Artates / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,