Isyu sa seguridad kaugnay ng Huawei, pinag-aaralan na ng pamahalaan – Malacañang

by Radyo La Verdad | May 21, 2019 (Tuesday) | 1785
Photo: Reuters

MALACAÑANG, Pahilippines – Tiniyak ng Malakanyang na pinag-aaralan na ng pamahalaan ang isyu sa Chinese Telecom Giant na Huawei matapos magpahayag ng pangamba ang Estados Unidos at pagbawalang makapag-acquire ito ng technology mula sa American firms.

Itinuturing ng Amerika na international security threat ang Huawei na inaakusahan nilang ginagamit ng Chinese government sa surveillance at eavesdropping.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ngayong naisapubliko na ang usapin, ang Department of National Defense at National Security Adviser ang nakatalagang mag-imbestiga hinggil dito.

Asahan din aniya ang magiging aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte oras na matanggap ang rekomendasyon ng mga nabanggit na ahensya ng pamahalaan.

“I supposed the Department of National Defense as well as the National Security Adviser are studying that matter and the President is waiting for whatever recommendation they have on that,” ani Sec. Salvador Panelo, Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel.

Samantala walang nakikitang dahilan ang PNP para ituring na banta sa seguridad ng bansa ang paggamit ng Huawei products.

“Magmula ng lumabas ang issue na yan ay nagsagawa ng validation ang PNP at sa araw na ito ay natunghayan natin na wala pong sapat na katibayan o ebidensya na mag uugnay sa kumpanya ng Huawei sa alegasyon na umanoy pang-eespiya,” ayon kay PCOL. Bernard Banac, Spokesperson ng PNP.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,