Isyu sa LRT-MRT common station, malabo pang maresolba

by Radyo La Verdad | May 13, 2016 (Friday) | 2155

MRT-LRT
Malaking problema pa rin kung paano reresolbahin ang problema sa panukalang LRT-MRT common station.

Ito ang pananaw ni LRTA Administrator Honorito Chaneco dahil pitong grupo ang humahawak ng proyekto.

Sinabi ni chaneco kung hindi magkakasundo ang mga ito maaring matapos na ang bagong administrasyon ay hindi pa rin ito nareresolba.

Ang common station ang magdudugtong sa MRT 3 at seven at LRT 1.

Ang unang kontrata na naka-TRO sa Quezon City Regional Trial Court ay sa tapat ng S-M Annex nais itayo ng SM Prime Holdings ang common station.

Ang isa namang contractor ay nais na itayo ang common station sa tapat naman ng Trinoma

Tags: , ,