Isyu sa gender equality at election-related violence, tinalakay sa isang COMELEC forum sa Zamboanga City

by Radyo La Verdad | April 12, 2016 (Tuesday) | 6006

DANTE_GENDER-EQUALITY
Tinipon ng Commission on Elections sa isang forum sa Zamboanga City ang mga kumakandidato sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi o basulta provinces.

Kabilang sa mga tinalakay sa forum ay ang isyu sa gender equality at mataas na incidence rate ng election-related violence sa mga nabanggit na lugar.

Ang basulta area ay kabilang sa mga binabatayan tuwing panahon ng halalan dahil sa mataas na kaso ng karahasan bunsod ng mahigpit na labanan ng mga magkakatunggali sa pulitika sa local level.

Mas mataas rin ang bilang ng mga botanteng babae sa basulta na aabot sa halos 400,000 (394, 652) kumpara sa halos 300,000 (281, 370) lamang na mga lalakeng botante.

Kapansin-pansin rin na sa kabuoang 1,288 na kandidato sa mga nasabing probinsya ay 235 lamang ang mga kababaihan o wala pa sa 20%.

Sa datos rin ng comelec, mayroong mahigit sa twenty seven million (27, 896, 668) women voters sa bansa o 51% percent sa kabuoang 54.3 million voters sa pilipinas para sa 2016 elections.

Kaya mahalagang matalakay ang gender equality at kung ano ang maaring gawin upang maresolba ang isyu.

Ayon kay commisioner guanzon, kabilang ang election-related violence sa mga dahilan kung bakit natatakot ang mga kababaihan na tumakbo.

Kaya apela ng COMELEC sa mga kandidato na iwasang gumawa ng karahasan lalo na tuwing sasapit ang halalan.

Igalang rin at suportahan ang pagsalang ng mga kababaihan sa larangan ng pulitika dahil mahalaga rin ang kanilang karapatan at boses sa lipunan.

Samantala, inaasahan naman ng comelec na magkakaroon ng maayos at mapayapang halalan matapos lumagda sa peace covenant ang lahat ng kandidato sa basulta area.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,