Hindi minamaliit ni Pangulong Aquino ang isyu ng tanim-bala sa NAIA.
Ito ang reaksyon ng DOJ sa mga nagsasabi na tila hindi ito mahalaga sa pangulo matapos nitong sabihin na pinalaki lamang ng midya ang nasabing isyu.
Ang katunayan ayon sa DOJ, nagbigay ng mga direktiba ang Pangulo kung paano mareresolba ang isyu sa lalong madaling panahon.
Wala rin umanong magiging epekto ang pahayag ng Pangulo sa magiging takbo at sa resulta ng imbestigasyon sa isyu.
Tuloy naman ang pangangalap ng NBI ng mga ebidensiya at ng testimonya ng mga nabiktima ng tanim bala.
Una nang humingi ng labin limang araw na dagdag na palugit ang nbi upang tapusin ang kanilang imbestigasyon.
Samantala, mananatili naman sa NAIA ang mga piskal na itinalaga ng DOJ upang humarap sa kaso ng mga pasaherong nasasangkot sa tanim bala.
Posible ring magdagdag pa ang DOJ ng mga piskal sa naia dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season.(Roderic Mendoza/UNTV Correspondent)
Tags: DOJ, pangulo, tanim-bala