Isyu ng pananalapi at pagbubuwis sa itatatag na Bangsamoro Region, dapat munang linawin – DOF

by Radyo La Verdad | February 14, 2018 (Wednesday) | 4320

Sentro ngayon ng deliberasyon ng senado ang pagtalakay tungkol sa usapin ng otonomiya ng itatatag na Bangsamoro Autonomous Region pagdating sa usapin ng pagbubuwis at pananalapi.

Ayon kay Department of Finance Secretary Carlos Dominguez, hindi maaaring basta na lamang bitawan ng central o national government ang ilang mahahalagang programa at ipaubaya ang buong pangangasiwa sa Bangsamoro Region. Tulad na lamang ng programang pangkalusugan at agrikultura.

Dagdag ng kalihim, mahalaga rin na magkaroon ng transparecy sa ipagkakalaboob na 72 billion peso-bloc grant kada taon sa Bangsamoro. Maging ang usapin sa pagbubuwis ay dapat maging malinaw sa panukalang BBL.

Tiniyak naman ng chairman ng Senate Subcommittee on BBL na si Senator Juan Miguel Zubiri na mananatili pa rin naman ang kapangyarihan ng pangangasiwa sa pananalapi sa Bangsamoro Government.

Target pa rin na maipasa ng senado ang kontrobersyal na BBL bago mag-break ang sesyon sa Marso.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,