Isyu ng pagpapatigil US ng pagbebenta ng armas sa Pilipinas, bully attitude – Sen. Lacson

by Radyo La Verdad | November 3, 2016 (Thursday) | 1338

PANFILO LACSON
Hindi pananakot kundi pam-bu-bully umano sa isang matagal nang kaalyado ang plano ng Estados Unidos na pigilan ang pagbebenta ng armas sa Pilipinas.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson dapat magsagawa muna ng masusing imbestigasyon ang US State Department sa alegasyon ni US Senator Ben Cardin kaugnay ng umano’y kaso ng human rights violation sa anti-drug war ng Duterte Administration.

Para naman kay Senator Ralph Recto dapat nang pag-aralan ng pamahalaan ang posibilidad ng pagmamanufacture ng mga armas at military equipment sa bansa upang hindi manatiling naka-depende ang Pilipinas sa mga foreign supplier.

Sa pamamagitan din aniya nito maraming mga Pilipino din ang mabibigyan ng hanapbuhay.

Tags: , , ,