Isyu ng pagiging overweight ng Dalian trains, pinagdebatehan sa Senado

by Radyo La Verdad 1350 | February 21, 2018 (Wednesday) | 9518

 

Tinalakay kahapon ang isyu kaugnay ng pagiging overweight ng Dalian trains na binili ng pamahalaan mula sa China.

Muling humarap sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services kahapon ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) upang ipaliwanag ang mga problemang kinakaharap sa operasyon ng MRT-3.

Isa sa mga isyung tinalakay ay ang isyu kaugnay ng Dalian trains na binili ng pamahalaan mula sa China.

Binusisi ni Senator Grace Poe sa mga opisyal ng Department of Transportation kung maari na nga bang patakbuhin ang nga Dalian trains sa kabila ng labis na bigat nito o ang pagiging overweight.

Paliwanag ng isang dating consultant ng MRT, hindi totoo na overweight ang mga Dalian trains.

“I do not know where the terms come from, that the Dalian should be too heavy. When you divide 49 tons by eight axles then you get the axle load for the empty car,” ani rail technical consultant Rolf Bieri.

Pero depensa naman ng DOTr nakasaad sa kontrata na dapat ay 46.3 tons lamang ang bigat ng kada bagon ng tren, subalit nasa 49.7 tons ang bigat ng naideliver na Dalian trains.

Hindi rin sinangayunan ng railway expert na si Engineer Rene Santiago ang pahayag ni Bieri.

“Usually when engineers do some weights and limits, there is a factor of safety, so I have to presume the reason why DOTr impose a 46,000-kilo limit, is to have that factor of safety up to the wheels level,” ani Santiago.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang test run at assessment ng independent audit team na TUV Rheinland sa Dalian trains.

Inaasahan namang ilalabas ng independent audit team ng kanilang assesment sa katapusan ng Pebrero upang matukoy kung posible pang mapakinabangan ang mga biniling trains mula sa China.

(Joan Nano /UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,