Mali umano ang pamamaraan ng head ng Makati Action Center na si Arthur Cruto sa initial findings nito na 40% ang ghost senior citizens sa Makati.
Ayon kay Ryan Barcelo, dating OIC ng Makati Social Welfare Department, ang requirements sa blu card ay dapat filipino citizen, 60 years old hanggang 79 years old pataas ang inoobligang may voters certificate at ang 80 years old naman ay valid ID lamang na nagpapatunay na taga makatiito.
Sinabi ni Barcelo na ang mga senior citizen na may edad walumpu pataas ay delisted na sa Comelec voters list.
Samantala,ayon naman sa kasalukuyang OIC ng general services ng Makati na si Violeta Lazo, nakikita sila ng red flag sa janitorial contract, information technology at security services ng lungsod.
Sa review ginawa ni Lazo sa ilang kontrata ng City Government ng Makati sa mula 2005 hanggang 2015, napag-alamang ang nakakakuha ng mga kontrata ay mga kumpanya na pag-aari ng mga taong malapit umano kay Vice President Jejomar Binay
Ipinakita naman ni dating Makati General Services Head Engineer Mario Hechanova kung papaano kumikita umano si VP Binay sa mga nasabing kontrata
Ayon naman sa kampo ni VP Binay malinaw ang pahayag ni Barcelo ngunit binabara ito.
Dagdag pa ni Atty. Rico Quicho, walang basehan ang mga akusasyon ni Senador Trillanes.( Bryan de Paz/ UNTV News)
Tags: Makati General Services Head Engineer Mario Hechanova, Vice President Jejomar Binay