Patuloy na sinosolusyunan ng pamahalaan ang isyu ng korapsyon sa bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Benigno Aquino III.
Ito ang ipinahayag ng Malacañang matapos mapabilang ang Pilipinas sa listahan ng Most Corrupt Countries ng Transparency International.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., patuloy ang pagpapatatag ng pamahalaan sa mga pampublikong institusyon.
Sa ganito aniya mapapanatili ng mga mga opisyal ng gobyerno ang prinsipyo ng transparency at Public accountability.
“The government continues to strengthen the public institutions so that civil servants will imbibe the ethos of transparency and public accountability.” Ani Coloma.
Sa 168 countries ng Corruptions Perceptions Index 2015, nasa ika siyamnapu’t limang puwesto o 95th ang Pilipinas, kapareho ng bansang Armenia, Mali at Mexico.
Mas mababa ito ng 10 puwesto kumpara noong 2014.
Ayon sa naturang ulat, ang North Korea at Somalia naman ang una sa listahan ng most corrupt countries na nakasama sa survey.
Ang mga bansang Denmark, Finland, Sweden, New Zealand, Netherlands Norway, Switzerland, Singapore, Canada at Germany ang nasa top 10 ng hindi corrupt na bansa.
(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)